top of page

Ilang Estudyante Patay sa Pamamaril sa Ateneo de Zamboanga; Estudyante rin ang Suspek


Nakatanggap ng tawag ang mga pulis tungkol sa pamamaril sa isang unibersidad sa Zamboanga bandang 7:50 am. Nangyari ang insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University noong Agosto 18, 2026, sa Junior High School campus ng university sa lungsod ng Zamboanga. Dalawang estudyante ang patay matapos ang nangyaring insidenteng pamamaril, kasama ang gunman na menor de edad. Dahil dito, nag dulot ng pangamba sa mga estudyante tungkol sa access sa mga armas.

Sinabi ng mga opisyal na pumasok ang suspek sa campus na may dalang dalawang baril—isang mataas na powered rifle at .45-caliber pistol. Nagsimula ang shooter ng Facebook livestream bago siya maglakad sa mga pintuan ng mga classroom sa ikaapat na palapag ng building, at sinimulang tutukan ng baril ang mga guro.  Napigilan  ang kanyang baril bago pa man ito makaputok, kaya tumakbo ang mga tao papunta sa ibang silid-aralan. Matapos ayusin ng salarin ang baril, nagsimulang magpaputok na naman sa ibang silid-aralan na siyang naging sanhi ng pagkamatay ng ilang estudyante.  Matapos nito ay tumalon ang gunman mula sa ika-limang palapag ng building ng paaralan na siyang nagdulot ng pagkamatay ng kaniyang sarili.

Ang ama ng umanong gunman ay ang District Commander ng Enforcement and Security Service ng Pantalan ng Zamboanga. Dahil sa insidente, nagkaroon ng talakayan tungkol sa epekto ng mararahas na online games sa kabataan at sa pangangailangang magkaroon ng mas mahigpit na regulasyon.

Marami pang iba ang nasugatan sa nangyari, ngunit iba-iba ang ulat tungkol sa eksaktong bilang ng mga biktima; patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga detalye. Sinuspinde ang klase sa ADZU Junior High School habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya.

“Ayon sa mga opisyal, ang sitwasyon ngayon ay kontrolado na at wala nang aktibong banta sa paaralan.” sabi ng mga awtoridad sa isang pahayag matapos ang insidente.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page