top of page

Ilang kalsada sa Bulacan nananatiling baha, hindi madaanan ng mga sasakyan


BULACAN — Ilang kalsada sa iba't ibang bahagi ng Bulacan ang nananatiling baha at hindi madaanan ng ilang uri ng sasakyan hanggang alas-11:00 ng umaga ngayong Agosto 29.

Sa Hagonoy, nananatiling baha ang mga kalsada sa Iba, Palapat, Sagrada Familia, San Agustin, San Isidro, San Juan, San Miguel, San Nicolas, San Pascual, San Sebastian, Sta. Cruz, Sta. Monica, Sto. Niño, Sto. Rosario, at Tampok.

Sa Calumpit, baha pa rin ang ilang kalsada sa Brgy. Meysulao, Gugo, Calizon, Bulusan, Sta. Lucia, San Jose, at Frances, gayundin ang Calumpit-Hagonoy Provincial Road.

Hindi naman madaanan ang P. Angeles St. at Dahlia St. sa Baliwag City, gayundin ang Igot Bunducan Road sa Bocaue. Sa Guiguinto, hindi madaanan ng light vehicles ang bahagi ng Panginay.

Sa Marilao, hindi madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang ilang bahagi ng Ibayo-Saog Road, Ibayo, Tabing Ilog, at Poblacion 1. Sa Meycauayan City, hindi naman madaanan ng light vehicles ang ilang kalsada sa Saluysoy at Pandayan.

Nananatili ring baha ang ilang pangunahing kalsada sa Malolos City, kabilang ang mga bahagi ng MacArthur Highway sa Brgy. San Pablo at Dakila, Sumapa-Ligas Road, Mabini Street, Imp Avenue, Hangga Street, Agosto Street, at Valenzuela Street.

Maaaring magbago ang kondisyon ng mga nabanggit na kalsada depende sa patuloy na pag-ulan at pagtaas o paghupa ng baha. Pinapayuhan ang mga motorista na umiwas muna sa mga hindi madaanan na lugar, maghanap ng alternatibong ruta, at bantayan ang pinakabagong abiso ng mga lokal na awtoridad bago bumiyahe.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page