top of page

Ilang lugar sa Pulilan, binaha dahil sa patuloy na pag-ulan

Poblacion, Pulong Tisya
Poblacion, Pulong Tisya
Sto. Cristo, Pulilan,
Sto. Cristo, Pulilan,

PULILAN, Bulacan — Binaha ang ilang bahagi ng Bayan ng Pulilan kasunod ng patuloy na malakas na pag-ulan na nararanasan sa lugar.

Kabilang sa mga naiulat na may pagbaha ang Purok 3 sa Brgy. Tibag, Brgy. Sto. Cristo, Brgy. Poblacion, at Pulong Tisya.

Purok 3 Tibag, Pulilan
Purok 3 Tibag, Pulilan

Pinapayuhan ang mga motorista at residente na maging maingat sa pagdaan sa mga bahaging may mataas na tubig at iwasang tumawid sa baha kung hindi matiyak ang lalim at lakas ng agos.

Patuloy ding hinihikayat ang mga Pulilenyo, lalo na ang mga nakatira sa mabababang lugar at malapit sa mga daluyan ng tubig, na manatiling alerto at bantayan ang mga opisyal na abiso mula sa lokal na pamahalaan at mga awtoridad.




Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page