top of page

Impeachment Trial ni Duterte, Tuloy na


MAYNILA, Pilipinas — Inaasahang magpapatuloy na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos mahalal si Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate President sa isinagawang special session ng Kongreso noong Miyerkules, Hunyo 17. Ayon sa House prosecution panel, ang pagresolba sa usapin ng liderato sa Senado ay magbibigay-daan sa nakatakdang pre-trial conference ngayong Hunyo 18 at sa pagsisimula ng paglilitis sa Hulyo 6.


Ayon kay Mamamayang Liberal Party-List Rep. Leila de Lima, wala nang dapat maging hadlang sa pagsisimula ng paglilitis laban sa bise presidente.


Tinawag naman ni House Impeachment Trial Spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na positibong hakbang ang pagresolba sa isyu sa liderato ng Senado. Aniya, panahon nang tutukan ng Senado ang kanilang tungkuling konstitusyonal na dinggin ang kasong impeachment laban sa bise presidente.


Sinabi rin ni Adiong na handa ang prosecution panel na iharap ang kanilang mga ebidensiya at igagalang nila kung sino man ang mamumuno sa impeachment court.


Samantala, nagpahayag ng tiwala si House Majority Leader Sandro Marcos na magiging patas at walang kinikilingan ang mga senador sa pagganap nila bilang mga hukom sa impeachment trial.

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page