top of page

Inaasahan ang Pagkaantala ng Suplay ng Tubig sa Ilang Barangay sa Pulilan


Pulilan, Bulacan — Maaaring makaranas ng mahinang presyon ng tubig o pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig ang mga residente sa ilang barangay sa Pulilan matapos magkaroon ng problema sa Low-Voltage power ang Peñabatan Pumping Station, ayon sa Pulilan MWSO. Sinabi ng ahensya na gumagamit sila ngayon ng generator upang pansamantalang magbigay ng kuryente sa pumping station habang inaayos ang problema.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Barangay Peñabatan, Balatong A, Balatong B, at Tenejero. Pinayuhan ng Pulilan MWSO ang mga residente na mag-imbak na ng sapat na tubig para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan habang isinasagawa ang pag-aayos sa pumping station at ibinabalik ang normal na serbisyo.

Naireport na ang problema sa Meralco, at sinabi ng ahensya na naghihintay sila ng agarang aksyon. Inaasahang magpapatuloy ang serbisyo ng tubig habang kaya pa itong suportahan ng generator, ngunit binalaan ang mga residente na maaaring tuluyang mawala ang suplay kung magpapatuloy ang sitwasyon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page