top of page

Ipo, Binga at Ambuklao Dam nagpakawala ng tubig kasunod ng malakas na ulan


BULACAN — Nagpakawala ng tubig ang Ambuklao, Binga at Ipo Dam nitong Lunes ng umaga, Agosto 31, kasunod ng ilang araw na malakas na pag-ulang dulot ng Southwest Monsoon o Habagat sa Luzon.

Batay sa datos ng PAGASA alas-8:00 ng umaga, walong gate ng Ambuklao Dam sa Benguet ang nakabukas sa limang metro at nagpapakawala ng tubig sa rate na 644.24 cubic meters per second (cms). Apat lamang na gate nito ang nakabukas noong Linggo. Pinag-iingat ang mga komunidad sa downstream areas sa posibleng pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog.


Sa Binga Dam, na matatagpuan din sa Benguet, anim na gate ang nananatiling nakabukas sa anim na metro at nagpapakawala ng 410.40 cms ng tubig.

Samantala, isang gate ng Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan ang nakabukas sa 0.15 metro, na may water discharge na 34.20 cms.

Patuloy namang nakaaapekto ang Habagat sa Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas. Ayon sa rainfall outlook ng PAGASA, maaaring makaranas ang Benguet ng 100–200 millimeters na ulan ngayong Agosto 31, habang 50–100 mm naman ang inaasahan sa Bulacan.

Pinapayuhan ang mga residenteng nasa mabababang lugar at malapit sa mga ilog na patuloy na bantayan ang lebel ng tubig at sumunod sa mga abiso ng PAGASA at lokal na disaster risk reduction and management offices.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page