top of page

Ipo Dam magpapakawala ng tubig alas-9 ng gabi dahil sa Habagat


BULACAN — Inaasahang magpapakawala ng tubig ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan, alas-9:00 ng gabi ngayong Biyernes, Agosto 28, dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig dulot ng Habagat.

Ayon sa Ipo Dam Management, kinakailangan ang pagpapakawala ng tubig bunsod ng pagtaas ng water level ng dam kasabay ng patuloy na pag-ulan.

Pinapayuhan ang mga residente, partikular ang mga komunidad na malapit sa mga ilog at mabababang lugar sa downstream ng Ipo Dam, na manatiling alerto at bantayan ang mga susunod na abiso mula sa mga awtoridad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page