top of page

Ipo Dam nagpakawala ng tubig; mga residente sa mabababang lugar pinag-iingat


BULACAN — Nagpakawala ng tubig ang Ipo Dam noong Agosto 9 kasunod ng patuloy na pagtaas ng antas ng tubig sa reservoir bunsod ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.

Ayon sa NIA Bulacan Irrigation Management Office, nagpakawala ang Ipo Dam, na pinangangasiwaan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ng 156.56 cubic meters per second (cms) ng tubig simula alas-1:00 ng hapon.

Samantala, naitala sa 17.15 meters ang water level ng Angat Afterbay Regulator Dam o Bustos Dam alas-1:00 ng hapon sa parehong araw. Ayon sa advisory, nananatili itong nasa ligtas at normal na kondisyon.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang NIA Bulacan Irrigation Management Office sa mga lokal na pamahalaan upang mabantayan ang sitwasyon at matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad, partikular sa mga lugar na malapit sa mga ilog at iba pang daluyan ng tubig.

Pinapayuhan ang mga residenteng naninirahan sa mabababang lugar at mga komunidad na malapit sa ilog na manatiling alerto at maging handa sa posibleng pagtaas ng lebel ng tubig.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page