top of page

Irrigation canal sa Brgy. Poblacion, muling nilinis ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan


PULILAN, Bulacan — Muling nagsagawa ng paglilinis sa irrigation canal sa Barangay Poblacion ang Pamahalaang Bayan ng Pulilan bilang bahagi ng patuloy na maintenance upang mapanatiling maayos ang daloy ng tubig sa lugar.

Isinagawa ang paglilinis upang alisin ang mga basura at iba pang maaaring makabara sa daluyan ng tubig, partikular ngayong patuloy ang mga pag-ulan na maaaring magdulot ng pagtaas ng tubig at pagbaha sa ilang bahagi ng bayan.

Kasabay nito, pinaalalahanan ang mga residente na iwasang magtapon ng basura sa mga kanal at iba pang waterways upang hindi makaharang sa natural na pagdaloy ng tubig.

Patuloy ding hinihikayat ang publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga daluyan ng tubig bilang bahagi ng mga hakbang para sa mas malinis at ligtas na komunidad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page