top of page

Japanese Idol Group na Kamen Joshi, Tampok sa ToyCon NEXUS


Makakasama sa hanay ng mga panauhin ng ToyCon NEXUS ang Japanese idol group na Kamen Joshi na gaganapin mula Hunyo 12 hanggang 14 sa SMX Convention Center Manila.


Binubuo ang Kamen Joshi ng apat na team sa ilalim ng iisang idol group sa Japan.


Kilala ang nasabing idol group sa pagsusuot ng mga maskara sa karamihan ng kanilang mga pagtatanghal at promotional appearances at sa kanilang musikang nagtatampok ng mga elemento ng rock, heavy metal, at rap.


Regular na nagtatanghal ang mga miyembro nito sa P.A.R.M.S. Theater sa Akihabara, Tokyo, at sa Kamen Joshi Theater sa Osaka.


Magsisilbing bahagi ng international guest lineup ng ToyCon Ph NEXUS ang pagdalo ng Kamen Joshi sa loob ng tatlong araw ng naturang event.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page