top of page

Justine San Pedro at Michayla Simone Eusebio, kakatawan sa Pulilan sa Hari at Reyna ng Singkaban 2026

PULILAN, Bulacan — Opisyal nang ipinakilala ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan, sa pangunguna ni Mayor Rolando Sison Peralta Jr. katuwang ang Pambayang Tanggapan ng Turismo, ang mga kinatawan ng bayan para sa nalalapit na Hari at Reyna ng Singkaban 2026.

Kakatawan bilang Hari ng Pulilan si G. Justine San Pedro, habang si Bb. Michayla Simone Eusebio naman ang magiging Reyna ng Pulilan sa patimpalak na bahagi ng pagdiriwang ng Singkaban Festival sa Lalawigan ng Bulacan.

Bitbit ng dalawang kinatawan ang makulay na kultura at tradisyon ng Pulilan, gayundin ang sipag, talento, at pagmamalaki ng mga Pulilenyo habang haharap sila sa mga kinatawan mula sa iba't ibang bayan at lungsod ng Bulacan.

Hinihikayat naman ang mga Pulilenyo na ipakita ang kanilang suporta kina San Pedro at Eusebio sa kanilang paglalakbay upang katawanin ang bayan sa entablado ng Hari at Reyna ng Singkaban 2026.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page