top of page

Kabataang Mamamahayag, Sumabak sa Live Reporting


Nagsagawa ng kauna-unahang live reporting ang Salin-Lente noong Mayo 23, 2026 upang maghatid ng makatotohanang balita para sa mga Pulilenyo. Bahagi ito ng programang inilunsad ni Atty. Imee Cruz na ginanap sa VM AIC Headquarters sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan.


Pinangunahan ni G. Hieri del Rosario ang pagsasanay at paggabay sa dalawang tagapaghatid ng balita na sina Jasmine A. Bactol at Eury Peralta. Nakibahagi rin si Bb. Karole Louise Gomez Adriano bilang live stream technical operator at tagaasikaso ng live production.


Ayon kay G. del Rosario, mahalagang maranasan ng mga mamamahayag ang aktuwal na pressure sa live reporting.


“Mahalagang maranasan ninyo ang pressure sa live na pagbabalita—walang cut at walang take two. Sa mga training ninyo sa school, kadalasang pre-planned at scripted ang lahat, ngunit sa tunay na mundo, hindi ganoon. Kapag nagkamali, kailangang marunong kang mag-ad lib upang maitama ang pagkakamali at malabanan ang kaba sa mga biglaang sitwasyon,” ani G. del Rosario.


Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, layunin ng Salin-Lente na higit pang malinang ang kakayahan ng mga kabataang mamamahayag sa larangan ng live broadcasting at pagbabalita. Inaasahan ding magsisilbi itong daan upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman, kumpiyansa, at kahandaan sa tunay na sitwasyon sa industriya ng media.


Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga kalahok sa oportunidad na makaranas ng aktuwal na live reporting, na anila’y naging malaking hakbang upang mas mahasa ang kanilang kakayahan sa komunikasyon at pamamahayag.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page