top of page

Karole Adriano itinanghal na Ms. Intramurals 2026 ng GETSPNHS

Sep 9
1 min read

Itinanghal na Ms. Intramurals 2026 si Karole Louise Adriano ng Gloria Esguerra T.S. Pereña National High School (GETSPNHS), matapos manguna sa kompetisyon at mag-uwi rin ng ilang special awards.

Bukod sa pangunahing titulo, nakamit ni Adriano ang People’s Choice Award, Best in Advocacy, at Best in Sports Attire, dahilan upang maging isa siya sa mga pinakamaraming parangal na natanggap sa kompetisyon.

Si Adriano ay isa sa mga pioneer members ng Salin-Lente: Pulilan Film Society, na nagsimula bilang bahagi ng media training program na sinuportahan at sponsored ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz. Sa pamamagitan ng programa, sumailalim siya sa mga pagsasanay sa journalism at multimedia production kasama ang iba pang kabataang Pulilenyo.

Kabilang din si Adriano sa mga core members ng Pulilan News Hub, kung saan naisasagawa niya ang kanyang mga natutunan sa media training sa aktuwal na paggawa ng local news at digital content.

Nagpahayag naman ng pagbati ang kanyang Salin-Lente family sa pagkamit niya ng titulo at mga special award, bilang pagkilala hindi lamang sa kanyang tagumpay sa Intramurals kundi maging sa patuloy niyang aktibong pakikilahok sa mga gawaing pangkabataan at media sa komunidad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page