top of page

Klase sa lahat ng antas sa Pulilan, suspendido dahil sa Bagyong Luis


PULILAN, Bulacan — Suspendido ang klase bukas sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Pulilan dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Bagyong Luis, alinsunod sa abiso ng DILG Bulacan.

Pinapayuhan ang mga mag-aaral, magulang, at iba pang residente na manatiling alerto sa posibleng epekto ng patuloy na pag-ulan at unahin ang kaligtasan, lalo na sa mga lugar na maaaring makaranas ng pagbaha.

Patuloy ding hinihikayat ang publiko na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya para sa mga susunod na update tungkol sa lagay ng panahon.

Para sa mga nangangailangan ng agarang tulong, maaaring makipag-ugnayan sa Pulilan Emergency Hotlines: Rescue sa 0917-561-6195, PNP sa 0998-598-5393, at BFP sa 0949-508-4458.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page