top of page

Klase sa lahat ng antas sa Pulilan, suspendido dahil sa Habagat at Bagyong Inday


PULILAN, Bulacan — Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Pulilan bukas, ayon sa anunsyo ng DILG Bulacan.


Ang suspensyon ng klase ay ipinatupad dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat na pinalalakas ng Bagyong Inday.


Pinapayuhan ang mga residente, lalo na ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang, na manatiling alerto sa lagay ng panahon at sundin ang mga abiso ng mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang kanilang kaligtasan.


Hinikayat din ang lahat ng Pulilenyo na mag-ingat at patuloy na subaybayan ang mga susunod na anunsyo mula sa lokal na pamahalaan at mga ahensya ng pamahalaan para sa karagdagang updates.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page