top of page

Klase sa lahat ng antas sa Pulilan, suspendido ngayong Agosto 17


PULILAN, Bulacan — Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Pulilan ngayong Lunes, Agosto 17, dahil sa patuloy na nararanasang masamang lagay ng panahon.

Bilang alternatibo sa face-to-face classes, hinihikayat ang mga paaralan na magpatupad ng Alternative Learning Modalities (ALM) o iba pang angkop na paraan ng pagkatuto kung kinakailangan upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante.

Pinapayuhan naman ang mga mag-aaral, magulang, guro, at iba pang residente na manatiling alerto, mag-ingat sa epekto ng masamang panahon, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa mga kinauukulang awtoridad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page