top of page

Klase sa lahat ng antas sa Pulilan, suspendido ngayong Agosto 8 dahil sa masamang panahon


PULILAN, Bulacan — Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Pulilan ngayong Sabado, Agosto 8, dahil sa patuloy na masamang lagay ng panahon.

Bilang pag-iingat, pinapayuhan ang mga mag-aaral, guro, magulang, at iba pang residente na manatiling alerto at makinig lamang sa mga opisyal na anunsyo mula sa lokal na pamahalaan at mga kinauukulang awtoridad.

Hinihikayat naman ang lahat ng paaralan na magpatupad ng Alternative Learning Modalities (ALM) o iba pang angkop na learning activities upang maipagpatuloy ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral habang nananatili sa kani-kanilang tahanan.

Patuloy ding pinaaalalahanan ang mga Pulilenyo na mag-ingat sa posibleng epekto ng masamang panahon at agad na makipag-ugnayan sa mga lokal na emergency hotline kung kinakailangan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page