top of page

Klase suspendido sa ilang bayan sa Bulacan dahil sa Bagyong Luis


BULACAN — Nagdeklara ng suspensyon ng klase ang ilang lokal na pamahalaan sa Bulacan ngayong Martes, Agosto 4, dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Bagyong Luis.

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Calumpit at Pulilan, kung saan ipatutupad muna ang Alternative Delivery Mode (ADM) upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante.

Sa San Ildefonso, suspendido naman ang face-to-face classes mula Kindergarten hanggang Senior High School, pampubliko man o pribado, at ipatutupad din ang Alternative Delivery Mode.

Wala ring pasok mula Kindergarten hanggang Senior High School sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa San Miguel.

Patuloy na pinapayuhan ang mga residente na maging alerto at mag-ingat sa posibleng epekto ng patuloy na pag-ulan, partikular sa mga lugar na maaaring makaranas ng pagbaha. Hinihikayat din ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na abiso mula sa kanilang lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page