top of page

‘Krovanh’ labas na sa monitoring domain ng PAGASA; walang LPA na binabantayan

Sep 7
1 min read

Lumabas na sa monitoring domain ng PAGASA ang Tropical Depression Krovanh, na dating “Pilandok” at LPA 08j, alas-2:00 ng hapon ngayong Setyembre 7.

Kasabay nito, iniulat ng PAGASA na wala nang Low Pressure Area (LPA) na kasalukuyang binabantayan para sa posibleng pagbuo ng tropical cyclone.

Nauna nang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Krovanh bago tuluyang umalis sa monitoring domain ng PAGASA.

Patuloy na pinapayuhan ang publiko na bantayan ang mga susunod na weather update at advisory mula sa PAGASA.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page