top of page

La Mesa, Bustos Dam umaapaw; mga downstream area pinag-iingat sa posibleng pagbaha


Source: Jordan Montaos Francisco
Source: Jordan Montaos Francisco
Source: Jordan Montaos Francisco
Source: Jordan Montaos Francisco

BULACAN — Patuloy na binabantayan ang La Mesa Dam at Bustos Dam matapos umapaw ang tubig sa mga dam kasabay ng malakas na pag-ulang dulot ng Southwest Monsoon o Habagat ngayong Agosto 29.

Dahil sa mataas na lebel ng tubig, posibleng maapektuhan ang mga mabababang komunidad at lugar na nasa downstream ng dalawang dam, lalo na kung magpapatuloy ang malakas na pag-ulan.

Para sa La Mesa Dam, kabilang sa mga binabantayang lugar ang mga komunidad sa kahabaan ng Tullahan River, kabilang ang ilang bahagi ng Quezon City, Valenzuela at Malabon.

Samantala, ang tubig mula sa Bustos Dam ay dumadaloy sa Angat River System patungo sa ilang bahagi ng Bulacan. Kabilang sa mga lugar na nasa kahabaan ng sistema ang Bustos, San Rafael, Baliwag, Plaridel, Pulilan, Calumpit, Paombong at Hagonoy, bago tuluyang dumaloy patungong Manila Bay.

Pinapayuhan ang mga residenteng nasa mabababang lugar at malapit sa mga ilog na manatiling alerto, bantayan ang pagtaas ng tubig, at maging handa sa posibleng paglikas kung kinakailangan. Mahalaga ring sundin ang mga opisyal na abiso ng kani-kanilang LGU at disaster risk reduction and management offices.


Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page