top of page

Lalaki arestado matapos makuhanan ng ‘sumpak’ sa Bustos

Sep 23
1 min read

BUSTOS, Bulacan — Arestado ang isang lalaki matapos umanong makuhanan ng improvised handgun o

“sumpak” habang nagsasagawa ng mobile patrol ang mga tauhan ng Bustos Municipal Police Station sa Barangay Malamig, Bustos, bandang 9:30 p.m. noong Setyembre 22.

Ayon sa ulat ni PCPT Heherson M. Zambale, officer-in-charge ng Bustos MPS, napansin ng mga nagpapatrolyang pulis ang isang lalaking walang pang-itaas na damit na nakaupo malapit sa isang maliit na tulay sa Purok 3.

Nilapitan umano ng mga pulis ang lalaki at pinagsabihang isuot ang hawak nitong itim na damit. Nang tumayo ang lalaki, napansin umano ng mga awtoridad ang isang kulay abo at itim na metal tube na nakabalot sa damit.

Sa pagsusuri ng mga pulis, natukoy umano ang naturang bagay bilang isang improvised handgun. Kinumpiska ito at dinala ang lalaki sa Bustos MPS para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Inihahanda ng pulisya ang reklamong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa suspek para sa pagsasampa sa Office of the Provincial Prosecutor ng Bulacan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page