top of page

Lane closure ipatutupad sa NLEX Harbor Link sa Oktubre 9

Oct 7
1 min read

METRO MANILA — Pansamantalang isasara ang isang bahagi ng NLEX Harbor Link Segment 10 sa gabi ng Oktubre 9 upang bigyang-daan ang isasagawang Traffic System Enhancement Works.

Ayon sa motorist advisory, apektado ang Lane 3 o rightmost lane sa KM 10+400, patungo sa NLEX Connector/C3 Road.

Isasagawa ang lane closure mula alas-10:00 ng gabi ng Oktubre 9 hanggang alas-4:00 ng madaling araw ng Oktubre 10.

Pinapayuhan ang mga motorista na manatili sa kanang bahagi maliban kung oovertake, maging maingat sa pagdaan sa work area, at sundin ang mga traffic sign at tagubilin habang isinasagawa ang mga gawain.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page