top of page

Lane closures ipatutupad sa Balintawak, Bocaue sections ng NLEX

Sep 23
1 min read

BULACAN — Magkakaroon ng pansamantalang lane closures sa ilang bahagi ng NLEX Northbound at Southbound dahil sa maintenance at improvement works.

Kabilang sa mga apektadong bahagi ang Balintawak Toll Plaza Area, mula KM 12+500 hanggang KM 13+500, at Bocaue Interchange Area, mula KM 26+500 hanggang KM 28+500.

Isasara ang Lane 1 o leftmost lane simula 10:00 p.m. ng Setyembre 24 hanggang 4:00 a.m. ng Setyembre 25 habang isinasagawa ang mga nakatakdang trabaho.

Pinapayuhan ang mga motoristang dadaan sa mga apektadong bahagi ng NLEX na maging alerto sa mga traffic sign at mag-ingat habang nagpapatuloy ang maintenance at improvement works.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page