top of page

Legal Awareness Seminar, isinagawa sa Brgy. Paltao


PULILAN, Bulacan — Nakiisa ang Tanggapan ng Pangalawang Punongbayan ng Pulilan, sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz, sa isinagawang Legal Awareness Seminar sa Brgy. Paltao Covered Court na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga residente hinggil sa mahahalagang batas at usaping pangkaligtasan.


Tinalakay sa seminar ang iba't ibang paksa kaugnay ng Dangerous Drugs, Violence Against Women and Children (VAWC), at Child Protection, na pawang mahalagang isyu sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na komunidad.


Naging resource speaker sa programa si PLTCOL Eric C. Cister, Chief of Police ng Pulilan Municipal Police Station, na nagbigay ng mga mahahalagang impormasyon at paalala tungkol sa pagpapatupad ng mga batas at sa papel ng bawat mamamayan sa pagprotekta sa kanilang sarili, pamilya, at komunidad.


Isinagawa ang programa sa pangunguna ng Arangkada Kabataan sa koordinasyon ni Cherry Mae Pandacan, na kinilala dahil sa pag-oorganisa ng isang inisyatibang naglalayong mapataas ang legal na kamalayan ng mga Pulilenyo at hikayatin ang aktibong pakikilahok ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page