top of page

Leptospirosis umabot sa epidemic level sa Maynila

Sep 7
1 min read

MAYNILA — Itinuturing nang nasa epidemic level ang leptospirosis sa Maynila matapos lumagpas sa epidemiologic threshold ang bilang ng mga naitalang kaso, ayon sa Manila Health Department.

Iniulat ng lokal na health department na tumaas ang attack rate mula 1.27% noong nakaraang linggo sa 3.48%, na nagpapakita ng pagtaas ng mga kaso sa maikling panahon.

Kasabay ng pagdami ng mga pasyente, umabot na umano sa full capacity ang ilang city hospitals, kabilang ang Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital at Justice Jose Abad Santos General Hospital.

Pinapayuhan ang mga residenteng lumusong o na-expose sa baha nitong mga nakaraang linggo na bantayan ang kanilang kalusugan at agad magpakonsulta kapag nakaranas ng mga sintomas na maaaring kaugnay ng leptospirosis.

May libreng doxycycline na available sa 44 health centers at pitong district hospitals ng lungsod. Ang pag-inom nito bilang prophylaxis ay dapat gawin ayon sa assessment at payo ng health professional, lalo na pagkatapos ng exposure sa kontaminadong baha.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page