top of page

Libreng almusal ipinamahagi sa mga evacuee at TODA sa Pulilan

PULILAN, Bulacan — Pinangunahan ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz ang pamamahagi ng libreng almusal sa mga evacuee na pansamantalang nanunuluyan sa Pulilan Municipal Gymnasium ngayong umaga, Agosto 13.

Kasama ang mga volunteers, nagtungo rin ang grupo sa mga kalapit na Tricycle Operators and Drivers’ Associations (TODA) upang makapaghatid ng mainit na pagkain sa mga tsuper at iba pang miyembro ng komunidad.

Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng patuloy na pagtulong sa mga Pulilenyong naapektuhan ng mga nagdaang pag-ulan at pagbaha.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga volunteers, patuloy na naihahatid ang agarang tulong sa mga pamilyang pansamantalang lumikas at iba pang sektor na nangangailangan ng suporta sa panahon ng kalamidad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page