top of page

Libreng almusal ipinamahagi sa mga residente ng Brgy. Tinejero



PULILAN, Bulacan — Namahagi ng libreng almusal sa mga residente ng Brgy. Tinejero ngayong umaga, Agosto 16, sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz, katuwang ang AIC Volunteers at mga kawani ng Office of the Vice Mayor.

Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng patuloy na pagtulong sa mga komunidad na naapektuhan ng sunod-sunod na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat nitong mga nakaraang araw.

Bagama't humupa na ang baha sa lugar, nananatiling problema ang makapal na putik na naiwan ng baha sa ilang bahagi ng komunidad, na patuloy na nakaaapekto sa mga residente.

Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mainit na almusal, patuloy na nag-abot ng agarang tulong ang grupo habang unti-unting bumabalik sa normal ang kalagayan sa lugar matapos ang mga nagdaang pag-ulan at pagbaha.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page