top of page

Libreng cervical Pap smear available sa Pulilan RHU I

Sep 24
1 min read

PULILAN, Bulacan — Nag-aalok ang Municipal Health Office (MHO) ng Pulilan ng libreng cervical Pap smear para sa mga kababaihan bilang bahagi ng programa para sa pangangalaga sa kalusugan at maagang pagtuklas ng cervical cancer.

Isinasagawa ang libreng screening tuwing Martes at Huwebes, mula 2:00 p.m. hanggang 5:00 p.m., sa Rural Health Unit I (RHU I).

Ang Pap smear ay isang screening procedure na ginagamit upang matukoy ang abnormal na pagbabago sa mga selula ng cervix na maaaring makatulong sa maagang pagtukoy at pag-iwas sa cervical cancer.

Para sa mga nais magpa-screening, kinakailangang makipag-ugnayan muna sa kanilang Barangay Midwife upang malaman ang available na slot at nakatakdang schedule.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page