top of page

Libreng cybersecurity seminar para sa MSMEs gaganapin sa Pulilan

Sep 23
1 min read

PULILAN, Bulacan — Isang libreng cybersecurity seminar para sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), entrepreneurs at business owners ang gaganapin sa Pulilan sa Oktubre 2, 2026, alas-1:00 ng hapon.

Pinamagatang “Cyber Ready for MSMEs: Protecting Your Business Online,” layunin ng seminar na mabigyan ang mga negosyante ng praktikal na kaalaman sa pagprotekta ng kanilang business accounts at mahahalagang impormasyon laban sa iba't ibang digital risks at online threats.

Gaganapin ang aktibidad sa Pavilion II, AIC Headquarters, Barangay Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan. Limitado sa 50 participants ang maaaring makalahok sa programa.

Bukas ang registration sa Office of the Vice Mayor mula Setyembre 23 hanggang Setyembre 28.

Isinusulong ng tanggapan ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz ang seminar upang makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga lokal na negosyante sa cybersecurity kasabay ng patuloy na paggamit ng digital platforms sa kanilang mga negosyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page