top of page

Libreng legal consultation bukas sa Pulilan ngayong Lunes at Huwebes

Sep 20
1 min read

PULILAN, Bulacan — Magbibigay ng libreng legal consultation at advice ang Office of the Vice Mayor ng Pulilan ngayong Lunes, Setyembre 21, at Huwebes, Setyembre 24, sa ilalim ng programang “Legal na Payo para sa Pulilenyo.”

Bukas ang tanggapan mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon para sa mga residenteng nangangailangan ng legal na gabay at konsultasyon sa iba't ibang usapin.

Layunin ng programa na magkaroon ng madaling mapuntahan ang mga Pulilenyo para makapagtanong at makatanggap ng paunang legal na payo nang walang bayad.

Maaaring magparehistro nang online ang mga nais magpakonsulta bago pumunta sa Vice Mayor’s Office. Ang programa ay bahagi ng legal assistance services na isinasagawa ng tanggapan para sa mga residente ng Pulilan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page