top of page

Libreng school supplies at bucket hats, ipinamahagi sa mga Child Development Centers sa limang barangay


PULILAN, Bulacan — Nagpatuloy ang pagpapatupad ng Annual Free Basic School Supplies Distribution Program sa ilalim ng Municipal Ordinance No. 12-08, s. 2025, na isinulong ng Ika-12 Sangguniang Bayan ng Pulilan bilang bahagi ng suporta sa edukasyon ng mga batang Pulilenyo.


Sa pakikipagtulungan ni Mayor RJ Peralta, at Vice Mayor Atty. Imee Cruz, naipamahagi ang mga school supplies at bucket hats sa mga mag-aaral ng Child Development Centers sa mga barangay ng Dampol 1st, Dampol 2nd A, Dampol 2nd B, Tabon, at Lumbac.


Layunin ng programa na matiyak na ang mga batang mag-aaral ay may mga pangunahing kagamitang kailangan sa pagpasok sa paaralan, habang nababawasan din ang gastusin ng kanilang mga magulang sa paghahanda para sa bagong taong panuruan.


Ayon sa lokal na pamahalaan, magpapatuloy ang implementasyon ng naturang programa sa iba pang Child Development Centers sa bayan bilang bahagi ng mga inisyatibang naglalayong palakasin ang access ng mga kabataan sa edukasyon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page