top of page

Libreng VR experience binuksan para sa mga estudyante, guro ng GETS-Pereña NHS

Sep 9
1 min read

PULILAN, Bulacan — Libreng Virtual Reality (VR) Booth Experience ang inilaan para sa mga estudyante at guro ng GETS-Pereña National High School, na bukas mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Bahagi ang aktibidad ng inisyatiba ng Salin-Lente: Pulilan Film Society upang mabigyan ng pagkakataon ang school community na personal na maranasan ang immersive technology gamit ang VR.

Upang makalahok, kinakailangang i-like at i-follow ng participants ang Facebook pages ng Salin-Lente: Pulilan Film Society at Pulilan News Hub, ipakita ang patunay nito sa booth facilitator, at magparehistro sa VR booth.

Isasagawa ang paggamit ng VR sa first come, first served basis. Kailangang hintayin ng participants ang kanilang turn at sundin ang mga tagubilin ng booth facilitator para sa ligtas at maayos na paggamit ng equipment.

Bukas ang booth sa lahat ng estudyante at guro ng paaralan nang walang bayad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page