top of page

"Ligtas at Handang PWD" Training, isinagawa bilang bahagi ng National Disability Rights Week


PULILAN, Bulacan — Isinagawa ngayong araw ang "Ligtas at Handang PWD" Training bilang bahagi ng pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week, na may temang "Rights First, Legislation Forward – Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development."


Pinangunahan ang programa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO), katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).


Layunin ng pagsasanay na mabigyan ang mga Persons with Disabilities (PWDs) ng kaalaman at kasanayan sa disaster preparedness, emergency response, at iba pang hakbang na makatutulong sa kanilang kaligtasan sa panahon ng sakuna.


Ayon sa mga organizer, bahagi ang naturang aktibidad ng patuloy na pagsusulong ng inklusibong disaster risk reduction at pagtiyak na ang mga PWD ay may pantay na pagkakataong maging handa at ligtas sa harap ng anumang kalamidad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page