top of page

Livelihood planning session isinagawa sa Pulilan

Sep 30
1 min read

PULILAN, Bulacan — Isinagawa ngayong Setyembre 30 ang KAPIT-BISIG Partner Decent Work & Sustainable Livelihood Planning Session ng Kapatiran-Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI), katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Pulilan.

Nakatuon ang pagpupulong sa pagpaplano ng mga programang pangkabuhayan at disenteng trabaho na gumagamit ng Community-Driven Development (CDD) approach upang makatulong sa pagbuo ng pangmatagalang katatagang pang-ekonomiya para sa mga marginalized na komunidad.

Ginanap ang aktibidad sa 2nd Floor, Old Mayor’s Office, New Municipal Building sa Pulilan.

Bahagi ng session ang pakikipag-ugnayan ng KKFI sa lokal na pamahalaan para sa pagpaplano at koordinasyon ng mga programang naglalayong palawakin ang sustainable livelihood opportunities sa komunidad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page