top of page

Livelihood training sa paggawa ng car shampoo at iba pang produkto, isinagawa sa Pulilan


PULILAN, Bulacan — Isinagawa noong Hulyo 8 ang Car Shampoo, Air Freshener, at Shampoo Bar Making Training sa PESO Training Center ng Pulilan bilang bahagi ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga residente.


Layunin ng pagsasanay na mabigyan ang mga kalahok ng karagdagang kaalaman at kasanayan sa paggawa ng mga produktong maaaring maging pundasyon ng maliit na negosyo o karagdagang mapagkakakitaan.


Sa pamamagitan ng livelihood training, inaasahang magkakaroon ng mas maraming oportunidad ang mga kalahok na makapagsimula ng sariling hanapbuhay at makatulong sa pagdaragdag ng kita ng kanilang mga pamilya.


Patuloy namang isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan ang mga programang pangkabuhayan na nagbibigay ng praktikal na kasanayan at mas maraming oportunidad sa mga Pulilenyo upang mapabuti ang kanilang kabuhayan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page