top of page

Low Pressure Area sa labas ng PAR, may katamtamang tsansang maging tropical depression


Isang Low Pressure Area (LPA 07d) ang patuloy na mino-monitor ng PAGASA habang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa weather bulletin na inilabas alas-8:00 ng gabi ngayong Hulyo 20.


Ayon sa PAGASA, ang nasabing LPA ay may katamtamang posibilidad (medium chance) na lumakas at maging isang tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.


Bagama't wala pa sa loob ng PAR ang sama ng panahon, patuloy na sinusubaybayan ng state weather bureau ang galaw at pag-unlad nito upang matukoy kung may magiging epekto ito sa bansa sa mga susunod na araw.


Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na weather bulletin at advisories ng PAGASA para sa mga pinakabagong update hinggil sa lagay ng panahon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page