top of page

LPA 08f isa nang Tropical Depression Neneng; panibagong LPA binabantayan sa labas ng PAR


PILIPINAS — Ganap nang Tropical Depression ang dating Low Pressure Area (LPA 08f) at binigyan ng lokal na pangalan na Neneng, batay sa monitoring update alas-2:00 ng hapon ngayong Agosto 18.

Patuloy na binabantayan ang Tropical Depression Neneng habang nananatili ito sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Samantala, isa pang sama ng panahon na tinukoy bilang LPA 08g ang mino-monitor sa labas ng PAR. Mayroon itong “HIGH” o mataas na posibilidad na maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Bukod dito, isa pang Tropical Depression ang kasalukuyang binabantayan sa labas ng PAR.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin at advisory ng DOST-PAGASA para sa mga susunod na update hinggil sa mga sama ng panahon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page