top of page

LPA 08j posibleng maging Tropical Depression sa loob ng 24 oras — PAGASA


PILIPINAS — Mataas ang posibilidad na maging Tropical Depression ang isang Low Pressure Area (LPA) na kasalukuyang binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA ngayong Agosto 29.

Batay sa monitoring ng PAGASA alas-2:00 ng hapon, ang LPA 08j ay nananatili sa labas ng PAR at mayroon nang “HIGH” chance na maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Samantala, binabantayan din ang LPA 08i, na nasa labas din ng PAR. Gayunman, nananatiling “LOW” ang posibilidad nitong maging Tropical Depression sa loob ng parehong panahon.

Patuloy na pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na subaybayan ang mga susunod na weather bulletin at opisyal na update kaugnay ng dalawang sama ng panahon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page