top of page

LPA 08j pumasok sa PAR; mataas ang tsansang maging Tropical Depression


PILIPINAS — Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA 08j) at may mataas na posibilidad na maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras, ayon sa PAGASA.

Batay sa monitoring alas-2:00 ng madaling araw ngayong Linggo, Agosto 30, nananatiling “HIGH” ang tsansa ng LPA 08j na maging isang ganap na Tropical Depression.

Samantala, patuloy ding binabantayan sa labas ng PAR ang Tropical Depression Saudel, na dating tinawag na “Obet” habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na bulletin at weather update ng DOST-PAGASA, lalo na kaugnay ng posibleng pag-develop ng LPA 08j sa loob ng PAR.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page