top of page

LPA 09b mataas na ang tsansang maging tropical depression

Sep 12
1 min read

Tumaas na sa high ang posibilidad na maging tropical depression ang Low Pressure Area (LPA 09b) na kasalukuyang binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Batay sa monitoring alas-2:00 ng madaling araw ngayong Setyembre 12, posibleng maging tropical depression ang LPA 09b sa loob ng susunod na 24 oras. Nananatili naman ito sa labas ng PAR.

Samantala, patuloy ding mino-monitor ang LPA 09c sa labas ng PAR. Gayunman, nananatiling unlikely o mababa ang posibilidad nitong maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na bantayan ang mga susunod na weather update para sa magiging development ng dalawang LPA.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page