top of page

LPA binabantayan sa loob ng PAR; ‘Dujuan’ nasa labas

Sep 17
1 min read

Isang Low Pressure Area (LPA 09e) ang binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Setyembre 17, habang nananatili naman sa labas ng PAR ang Tropical Storm na may international name na “Dujuan.”

Batay sa monitoring alas-2:00 ng madaling araw, malabo o “unlikely” na maging Tropical Depression ang LPA 09e sa loob ng susunod na 24 oras.

Samantala, ang Tropical Storm “Dujuan,” na dating mino-monitor bilang LPA 09d, ay patuloy na nasa labas ng PAR.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga susunod na opisyal na weather updates para sa anumang pagbabago sa dalawang weather system.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page