top of page

LPA na dating Bagyong Luis, nalusaw na; bagong LPA sa loob ng PAR posibleng maging tropical depression


Nalusaw na ang Low Pressure Area (LPA 07f), na dating Tropical Depression Luis, habang isang panibagong LPA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang may mataas na posibilidad na maging tropical depression, ayon sa weather update alas-2:00 ng hapon ngayong Agosto 4.

Ayon sa PAGASA, patuloy na mino-monitor ang LPA 08a sa loob ng PAR. Ang naturang sama ng panahon ay mayroon nang mataas (high) na posibilidad na maging isang tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Samantala, patuloy ding binabantayan ang Typhoon Dolphin, na kasalukuyang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na weather bulletin at advisories ng DOST-PAGASA, lalo na dahil sa posibilidad na maging ganap na bagyo ang LPA 08a sa loob ng susunod na isang araw.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page