top of page

LPA 08e, posibleng maging Tropical Depression sa loob ng 24 oras


PILIPINAS — Patuloy na binabantayan ang Low Pressure Area (LPA 08e) na kasalukuyang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), batay sa monitoring update alas-8:00 ng gabi ngayong Agosto 13.

Nananatiling “HIGH” o mataas ang posibilidad na lumakas ang naturang LPA at maging isang Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Bagama't nasa labas pa ng PAR, patuloy na mino-monitor ang pag-unlad at galaw ng sama ng panahon para sa anumang pagbabago sa kondisyon nito.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin at advisory ng DOST-PAGASA para sa mga susunod na update.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page