top of page

LPA sa labas ng PAR, nananatiling may katamtamang tsansang maging tropical depression


Patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA 07d) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa weather bulletin na inilabas alas-2:00 ng madaling araw ngayong Hulyo 21.


Ayon sa state weather bureau, nananatiling may katamtamang posibilidad (medium chance) ang LPA na lumakas at maging isang tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Sa kasalukuyan, wala pang direktang epekto sa bansa ang nasabing sama ng panahon dahil nananatili itong nasa labas ng PAR. Gayunman, patuloy na sinusubaybayan ng PAGASA ang galaw at pag-unlad nito.


Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na weather bulletin at advisories ng PAGASA upang makuha ang mga pinakabagong impormasyon ukol sa lagay ng panahon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page