top of page

LPA sa loob ng PAR patuloy na binabantayan; posibleng maging Tropical Depression


PILIPINAS — Patuloy na binabantayan ang Low Pressure Area (LPA 08i) na kasalukuyang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), batay sa monitoring update alas-8:00 ng umaga ngayong Agosto 28.

Ang LPA 08i ay nananatiling may “MEDIUM” o katamtamang posibilidad na lumakas at maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Patuloy na mino-monitor ang galaw at development ng naturang sama ng panahon para sa posibleng paglakas nito.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin at advisories mula sa DOST-PAGASA para sa pinakahuling impormasyon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page