top of page

LPA tatawid sa Palawan; ‘Dujuan’ hindi inaasahang papasok sa PAR

Sep 18
1 min read

Patuloy na binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa coastal waters ng Dumaran, Palawan ngayong Setyembre 18 at inaasahang magdadala ng pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa weather update, tumatawid ang LPA sa Palawan at patuloy na kikilos pakanluran. Hindi ito inaasahang magiging tropical cyclone sa loob ng susunod na 24 oras at posibleng humina o tuluyang malusaw kapag nakarating sa West Philippine Sea.

Dahil sa LPA, inaasahan ang maulap na kalangitan na may scattered rains at thunderstorms sa MIMAROPA at Bicol Region, gayundin sa Batangas at Quezon. Posible rin ang pag-ulan sa Palawan, malaking bahagi ng Visayas, Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, generally fair weather ang inaasahan sa malaking bahagi ng araw, ngunit posible pa rin ang isolated thunderstorms pagsapit ng hapon hanggang gabi. Nananatili rin ang monsoon break, bagama't posibleng bumalik ang mahinang Habagat sa weekend at makaapekto sa western sections ng MIMAROPA at ilang bahagi ng Visayas.

Samantala, nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm “Dujuan.” Huling namataan ito 2,460 kilometro east-northeast ng Extreme Northern Luzon, taglay ang maximum sustained winds na 110 km/h at pagbugsong hanggang 135 km/h habang kumikilos northwestward sa bilis na 55 km/h.

Hindi inaasahang papasok sa PAR o direktang makaaapekto sa bansa ang “Dujuan.” Wala ring nakataas na gale warning sa mga baybayin ng Pilipinas batay sa naturang weather update.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page