top of page

LPA09g sa labas ng PAR, mataas ang tsansang maging bagyo

Sep 22
1 min read

Mataas na ang posibilidad na maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras ang Low Pressure Area (LPA 09g) na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Martes, Setyembre 22.

Batay sa monitoring alas-8:00 ng umaga, nananatili sa labas ng PAR ang naturang LPA ngunit itinaas na sa “high” ang potential nitong maging isang tropical cyclone.

Patuloy na binabantayan ang development at galaw ng LPA para sa posibleng pagbabago sa lakas at direksiyon nito.

Pinapayuhan ang publiko na subaybayan ang mga susunod na opisyal na weather updates mula sa DOST-PAGASA.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page