top of page

Lupa sa gilid ng ilog sa Pulilan, unti-unting gumuho matapos ang sunod-sunod na pag-ulan


PULILAN, Bulacan — Unti-unting gumuho ang bahagi ng lupa sa gilid ng ilog sa Brgy. Paltao, Pulilan, Bulacan, kasunod ng sunod-sunod na pag-ulan dulot ng mga nagdaang bagyo at pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.

Pinaniniwalaang lumambot ang lupa dahil sa patuloy na pag-ulan. Ilang minuto lamang ang lumipas nang unti-unting bumigay ang ilang bahagi ng pampang, kasama ang mga punong nakatayo malapit sa gilid ng ilog.

Dahil sa paggalaw ng lupa, naapektuhan din ang pader ng isa sa mga bahay sa lugar. Makikita sa video ang pagkakaroon ng pinsala sa istruktura bago tuluyang gumuho ang bahagi nito kasabay ng lupa.

Patuloy ding naitala sa video ang pagguho sa ibang bahagi ng pampang. Dahil malapit sa ilog ang ilang kabahayan at posible pa ang pag-ulan, nananatili ang pangamba sa karagdagang pagguho ng lupa.


Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page