top of page

Luzon makararanas ng isolated thunderstorms; Tropical Depression nasa labas ng PAR

Sep 16
1 min read

Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms ang inaasahan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon ngayong Setyembre 16 dahil sa localized thunderstorms, ayon sa 24-hour public weather forecast.

Posible ang flash floods o landslides sa ilang lugar sakaling magkaroon ng severe thunderstorms.

Samantala, patuloy na binabantayan ang isang Tropical Depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Alas-3:00 ng madaling araw, namataan ito sa layong 2,970 kilometro silangan ng Southeastern Luzon.

Taglay ng Tropical Depression ang maximum sustained winds na 55 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugsong umaabot sa 70 km/h. Mabagal itong kumikilos patungong west-northwest.

Sa Visayas at Mindanao, Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman ang pangunahing nakaaapekto sa lagay ng panahon. Inaasahan ang maulap na kalangitan na may scattered rains at thunderstorms sa Negros Island Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Masbate, Lanao del Sur at Davao Oriental.

Nagbabala rin sa posibilidad ng flash floods at landslides sa mga lugar na makararanas ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsang malakas na pag-ulan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page