top of page

Mabagal na daloy ng trapiko sa NLEX Marilao–Valenzuela; San Simon magaan

Sep 7
1 min read

Mabagal ang daloy ng mga sasakyan sa bahagi ng NLEX Southbound mula Marilao hanggang Valenzuela ngayong umaga, Setyembre 7, kasunod ng insidente ng isang truck na naunang tumirik sa lugar.

Batay sa traffic condition alas-6:25 ng umaga, nasa 20 hanggang 30 kilometers per hour (km/h) ang tinatayang running speed ng mga sasakyan sa Marilao–Valenzuela section.

Samantala, magaan ang daloy ng trapiko sa southbound lane sa Candaba Viaduct, Tulaoc area sa San Simon, at San Simon Interchange.

Pinapayuhan ang mga motoristang patungong Metro Manila na maglaan ng karagdagang oras sa biyahe at patuloy na bantayan ang mga traffic advisory para sa pagbabago sa kondisyon ng NLEX.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page